Wednesday, August 18, 2010

KOnyo Sa Pananaw ng taOng kanto

Sa totoo lng ayw ko nmn talagang gawin ang topic na to kaso no choice eh nauto ako ng leader ko.anu nga ba ang konyo? una ko tong narinig s isang campaign jingle ng isang politiko hamahabol sa pagkapresidente. naipaicp tuloy kung ano ang ibig sabihin nun. Un pala ang bago tawag sa mga taong mayayaman. at syempre kung tayong mga tambay at naghihilahos sa buhay ay may pinausong salitang jologs meron din sila  pinausong mga salita.

Ang una sa mga nalaman ko ay kung ay kung ang mga jologs ay may chikot ang tawag naman ng mga rich kid s knilang sasakyan ay wheels. ( for example ang gnda na wheels mo tol ano brand nyan chevolet). kahit ang kinaiisan na mga bagay ay my saliling tawag din sila. Ang tawag nila dito ay sleeves.(nakita ko lang ito sa isang tv show kya ko nalaman). eto naman ngayon ang isa sa mga pnakabago konyong salita eto ay ang cougar na ang tunay na ibig sabihin ay isang uri ng pusa o tigre. Pero sa mga konyo ang ibig sabihin nito ay isang may edad na babae na may ka relasyon na masbata sa kanila (kumbaga matrona ^^) at may masbata version nito ang puma (30-35 yrs old ang edad ) nauso ang salitang ito dahil sa isang american tv show 


Pero may mga salita din na ginagamit naten na nag originated sa mga konyo ang sa Omg (oh my god) in tagalog diyos ko nag pauso sila nang paggamit ng avavirition para sa mga salitang ginagamit naten sa araw araw na pamumuhay ang isa pang example nito ay HHWW (holding hand while walking) 


Napaisip nila tuloy aq bakit nila pinahihirapan ang sarili sa paggawa ng mga ganitong salita ehh pede naman magsalita ng normal. isang  sagot lng ang naicip ko ito ay upang magging kakaiba at madistinguished ang kanilang pagiging sosyal 


Tuesday, August 17, 2010

BRAINS

              Ang Jejemon ay ang mga taong kakaiba na lumalaganap ngayon sa Pilipinas. Malalaman mong jejemon ang isang tao kung ang pananalita at pananamit niya ay di katulad ng sa mga pangkaraniwang tao kapag nasa daan ka at may taong dumaan ng nakasuot na makukulay na damit, sumbrero na tinatawag nilang JEJECAP,mga sapatos o kilala rin sa tawag na JEJESHOES at pati ang kanilang mga buhok ay nilalagyan nila ng iba`t ibang kulay. Madalas na nakikita sa mga Social Networking sites kagaya ng Friendster at Facebook at madalas ring nakikitang nHaGtaTypFh nHaNgH gHaNit0. Mapapansin rin na gumagamit ang mga Jejemon ng AlTeRnaTiNg CaPitAlS.Sa kanilang pagtetext ay makikita niyo ring gumagamit sila ng mga ibang numero para maging panghalili sa mga ibang letra.Ang iba naman ay inaalis  ang  ibang letra para mapabilis ang kanilang pagsusulat.Ito ang pinakanakakainis, ang pagdagdag ng maraming letra na halos hindi na mabasa ang kanilang nais sabihin, kaya ngakapag ako ay pinapadalhan ng ganoong mensahe, parang gusto kong iumpog iyong ulo ko sa pader dahil sa sobrang hirap basahin.              
        Ito ay JEJEMON SEVERE ito ang uri ng jejemon na hindi na halos naiintindihan dahil sa dami ng palamuti na idinadagdag sa naturang mensahe. Kaya naman kung ganito ka magtype,tiyak isa ka sa kanila, "kOuMmOwZstA nAwH cAO".
           USO bagamat MALALA.
 wapak!


     

    Barok on the GO!

    Ang barok ay:
    Ito ay isang wikang ginagamit ng mga taong karamihan ay pamali-mali ang pagsasalita.Ang wikang ito ay karamihang ginagamit ng mga taong gustong matuto ng isang partikular wika tulad na lang ng wikang ingles.Ang wikang ingles ay pinagaaralan ng mga pilipino na gustong matuto nito, ngunit sa umpisa ay nagkakaroon ng ilang pagkakamali sa pagsasalita o pagsulat ng sanaysay o isang pangungusap. Mahirap pagaralan ang wikang ingles lalo kung ang magaaral ay mga katutubo na hindi edukado o walang pinagaralan at hindi pumasok kahit minsan sa paaralan.Dahil din sa pagaaral ng wikang ingles,dahil gusto ng mga pilipin na makisalamuha sa mga dayuhan upang maintindihan nila ang isat isa at gusto din ng mga pilipino na makarating sa ibang bansa kaya sila nag aaral ng wikang ingles para hindi na sila mahirapan intidihin ang sinasabi ng mga dayuhan.sa ating wika o sa wikang tagalog mayroon din na taong nag kakamali ito ay ang mga dayuhan na pumupunta sa ating bansa.Nag aaral ang mga dayuhan ng wikang tagalog para maunawaan nila ang ating mga sinasabi.Nag aaral din sila para maunawaan nila ang mga lugar na kanilang pinupuntahan tulad ng mga lugar na talagang dinarayu ng mga turista halimbawa ng mga lugar ay ang boracay,baguio,tagaytay,cebu,davao,at iba pa.Sa katunayan may mga tao na din na bihasang-bihasa sa pag sasalita na wikang tagalog tulad ni  daianna na isang brazillian model na ngayon ay marunong ng magsalita na wikang tagalog.
    Ang BAROK ay mga salitang mayroong mga pagkakamali sa grammar.

    Monday, August 16, 2010

    BETCHIWARIWAPS

    B1: Hoy! becky ang juba mo na  .                
    B2: Ganda mo 'te, imbey ka.                        
    B1: Echoz,emote ka pa jan balaj.                 
    B2: Lukresha,oh anong chika?                      
    B1: Eto rampage sa gabi,queber lang char!   



            Jejemon?
            Bisaya?
            Oh ibang lenggwahe lang?
            "te, GAY LINGO 'to"
             Anung GAY LINGO?
             GAY LINGO, Kapisanan ng mga salitang pang-homo.
             Salitang pang-homo??????



               Sa nakalipas na panahon, kapansin-pansin ang dagliang pag-iiba ng ating paraan ng pananalita.Naroong pagbalibaliktarin ang baybay o paiikliin na parang akronim.Idagdag pa rito ang pagbibigay ng kakaibang kahulugan sa salitang sinasabi,tulad na lamang ng mga nabanggit.
                Sa kasalukuyang panahon,GAY LINGO ang tawag rito.Salitang SLANG na kadalasang maririnig mula sa mga bading ngunit gamit na rin maging ng lalaki at babae.Ito'y paraan ng pananalita na kung saan-saan hinalaw,di binibigyang limitasyon kung kaya't malawak ang kakayahang mapaunlad ito ng sinumang nagsasalita.Nabubuo ang naturang mga salita sa pamamagitan ng pagkabit ng afiks,sabstitusyon o ang pagpapalit ng isang tunog o segment ng isang salita ng ibang tunog,tulad na lamang ng "kili-kili" na naging "jili-jili".Maaari din naman itong mabuo sa pamamagitan ng pagbibigay ng akronims,reduplikasyon o yaong pag-uulit ng salita,pagkakahawig,pagkakaltas,metatesis o ang pagpapalitan ng ayos ng tunog o segment ng salita.Kapansin-pansin dito ang kakaibang tunog mula sa karaniwang salita,mas pinaarte ito at may binibigyang diin, na siyang nagbibigay aliw sa pandinig kung saan pinupuno ng buhay ang bawat pagbigkas.Ginagamitan din ito ng onomatopeya o yung tinatawag na pagtutulad ng isang salita sa bagay,hayop at pangyayari.At metapor na nanangangailangan ng pag-aanalisa bago makuha ang nais ipabatid.Ginagawa ito upang lalong maging mas makulay ang mga salita para lalong hindi maintindihan ng mga taong hindi kabilang sa grupo.Sa ganitong pamamaraan nagkakaroon ng sariling bentahe ang bawat salita.
                 Bilang panlahat, ang GAY LINGO ay mga salitang binuo at patuloy na pinauunlad ng mga lalaking nangangarap maging ganap na eba.Nakakatuwa mang isipin ngunit parte na ito ng wikang sinasalita ng halos lahat ng tao sa ating bansa.Mabilis ang paglaganap kung kaya't madali na ring natanggap ng tao.Kaya naman atin ng abangan ang susunod na yugto sa kwentong GAY LINGO kung saan nahihimpil ang lahat ng juding sa sangkalupaan. 

          

    JO-JO-JO-jologs! ikaw ba 'to?


                  May iba-i bang klase ng pananamit ang bawat isa. May tinatawag tayong pormal at hindi pormal na kasuotan. Minsa'y na kikilatis natin o na kikilala natin ang isang tao depende sa kanyang kasuotan .
                  Ang jologs kapag narinig natin ang jologs hindi natin na iisip ang mga taong makata kung makapag suot ng damit . Kung di ang naiisip natin ay ang mga taong full tank kung tawagin . Bakit full tank? dahil pakiramdam moy full energey lagi ang katawan. Jologs na jologs nga ang dating kung makapag suot ng damit pakiramdam mo'y nanghihinayang sa damit at baka kaliitan kaya naman  XXL kung pumili, kulang na lang tela na ang bilhin. At di pa na kontento gusto rin pala ng short na kasya ang dalawang hita sa kalahati. At ayaw pang papigil ha, ipares pa daw ba ang ubod laking sapatos. Siyempre hindi daw kumpleto ang barkada kapag walang bursese sa katawawn.parang X- mas tree na nga sa dame ng  sukbit. Pero minsan para naring OA ang pagiging jologs (oops tamaan ay wag magalit )ou nga at unique to. Unique to dahil para kang alien dahil na iiba ka. Malalaki at maluluwag na damit, makukulay na sapatos , lawlaw na short at pantalon at mga burseseng di ma ipaliwanag ang  karaniwang nakikita sa kanila.
                 Pero minsan para sakin dapat din ilagay sa lugar ang pagiging jologs ng hindi aman katapunan ng kung anu-anong salita. Oops wala daw basagan ng trip FASHION  daw nila iyon WOW FASHION O.M.G na lang ( fashion helps us to be  more beautiful not to irritate others PACK).


    hanep...

    Saturday, August 14, 2010

    Jejemon wild,este MILD :)


      Marami ang nagsasabi na nakakaadik ang jejemon infact nakakahawa pa nga.Ngunit hindi maiiwasan na mainis ang ibang tao sa mga jejemon dahil sa kakaibang pagtetext.Subalit ano ang magagawa  nila,eh kanya-kanya tayo ng istilo sa pagtetext.ito ang karaniwang tao na tulad ko at tulad mo.Marami ang kanilang naimpluwensyahan ma pa bata man o matanda.Dahil walang age limit ang pagiging jejemon.Basta maarte kang magtext jejemon na ang tawag sayo.at ito ung tinatawag na jejemon mild.Maging ang mga kabataang hindi nagaaral ay naimpluwensyahan na din nila,mas naging masamang impluwensya sila dito,dahil bukod sa hindi na sila nagaaral ay natututo pa sila ng maling spelling ng mga salita.Sila ay makikitang nakasuot ng malalaking damit ay suot din ang tinatawag nilang jejecap.ang mga halimbawa ng kanilang tinetext ay ang mga,eow poeh,wer na poeh keo?.naiintindihan pa naman,iyan ang katangian ng jejemon mild.


    andhyan nha xzhilah!!!!!!!!!!!!!!