Monday, August 16, 2010

BETCHIWARIWAPS

B1: Hoy! becky ang juba mo na  .                
B2: Ganda mo 'te, imbey ka.                        
B1: Echoz,emote ka pa jan balaj.                 
B2: Lukresha,oh anong chika?                      
B1: Eto rampage sa gabi,queber lang char!   



        Jejemon?
        Bisaya?
        Oh ibang lenggwahe lang?
        "te, GAY LINGO 'to"
         Anung GAY LINGO?
         GAY LINGO, Kapisanan ng mga salitang pang-homo.
         Salitang pang-homo??????



           Sa nakalipas na panahon, kapansin-pansin ang dagliang pag-iiba ng ating paraan ng pananalita.Naroong pagbalibaliktarin ang baybay o paiikliin na parang akronim.Idagdag pa rito ang pagbibigay ng kakaibang kahulugan sa salitang sinasabi,tulad na lamang ng mga nabanggit.
            Sa kasalukuyang panahon,GAY LINGO ang tawag rito.Salitang SLANG na kadalasang maririnig mula sa mga bading ngunit gamit na rin maging ng lalaki at babae.Ito'y paraan ng pananalita na kung saan-saan hinalaw,di binibigyang limitasyon kung kaya't malawak ang kakayahang mapaunlad ito ng sinumang nagsasalita.Nabubuo ang naturang mga salita sa pamamagitan ng pagkabit ng afiks,sabstitusyon o ang pagpapalit ng isang tunog o segment ng isang salita ng ibang tunog,tulad na lamang ng "kili-kili" na naging "jili-jili".Maaari din naman itong mabuo sa pamamagitan ng pagbibigay ng akronims,reduplikasyon o yaong pag-uulit ng salita,pagkakahawig,pagkakaltas,metatesis o ang pagpapalitan ng ayos ng tunog o segment ng salita.Kapansin-pansin dito ang kakaibang tunog mula sa karaniwang salita,mas pinaarte ito at may binibigyang diin, na siyang nagbibigay aliw sa pandinig kung saan pinupuno ng buhay ang bawat pagbigkas.Ginagamitan din ito ng onomatopeya o yung tinatawag na pagtutulad ng isang salita sa bagay,hayop at pangyayari.At metapor na nanangangailangan ng pag-aanalisa bago makuha ang nais ipabatid.Ginagawa ito upang lalong maging mas makulay ang mga salita para lalong hindi maintindihan ng mga taong hindi kabilang sa grupo.Sa ganitong pamamaraan nagkakaroon ng sariling bentahe ang bawat salita.
             Bilang panlahat, ang GAY LINGO ay mga salitang binuo at patuloy na pinauunlad ng mga lalaking nangangarap maging ganap na eba.Nakakatuwa mang isipin ngunit parte na ito ng wikang sinasalita ng halos lahat ng tao sa ating bansa.Mabilis ang paglaganap kung kaya't madali na ring natanggap ng tao.Kaya naman atin ng abangan ang susunod na yugto sa kwentong GAY LINGO kung saan nahihimpil ang lahat ng juding sa sangkalupaan. 

      

No comments:

Post a Comment