Ang Jejemon ay ang mga taong kakaiba na lumalaganap ngayon sa Pilipinas.Malalaman mong jejemon ang isang tao kung ang pananalita at pananamit niya ay di katulad ng sa mga pangkaraniwang tao kapag nasa daan ka at may taong dumaan ng nakasuot na makukulay na damit, sumbrero na tinatawag nilang JEJECAP,mga sapatos o kilala rin sa tawag na JEJESHOES at pati ang kanilang mga buhok ay nilalagyan nila ng iba`t ibang kulay. Madalas na nakikita sa mga Social Networking sites kagaya ng Friendster at Facebook at madalas ring nakikitang nHaGtaTypFh nHaNgH gHaNit0. Mapapansin rin na gumagamit ang mga Jejemon ng AlTeRnaTiNg CaPitAlS.Sa kanilang pagtetext ay makikita niyo ring gumagamit sila ng mga ibang numero para maging panghalili sa mga ibang letra.Ang iba naman ay inaalis ang ibang letra para mapabilis ang kanilang pagsusulat.Ito ang pinakanakakainis, ang pagdagdag ng maraming letra na halos hindi na mabasa ang kanilang nais sabihin, kaya ngakapag ako ay pinapadalhan ng ganoong mensahe, parang gusto kong iumpog iyong ulo ko sa pader dahil sa sobrang hirap basahin. Ito ay JEJEMON SEVERE ito ang uri ng jejemon na hindi na halos naiintindihan dahil sa dami ng palamuti na idinadagdag sa naturang mensahe. Kaya naman kung ganito ka magtype,tiyak isa ka sa kanila, "kOuMmOwZstA nAwH cAO".
No comments:
Post a Comment